Sikat ang Pinoy

by kapengbarako on December 2, 2009

Madalas akong manood ng Pinoy Big Brother at sa isa sa edisyong aking napanood, mas madalas ginamit ang kantang Sikat ang Pinoy kesa sa Pinoy Ako ng Orange and Lemons. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang tono ng kanta, bagaman maganda ang sinasabi nitong mensahe: na sikat ang pinoy. Anupaman, mas mahalaga pa rin ang mensahe ng awiting iyon kesa sa tono o ano pang bahagi ng kanta. Bakit, dahil sa kabila ng mga kabayanihan ng Pinoy sa iba’t ibang bahagi ng mundo, madalas lamang itong di nabibigyan ng pagkilala at karampatang pagmamalaki.

Layunin ng blog na ito na bigyan ng espasyo sa Internet ang mga bagong bayani ng lahing Pilipino gayundin ang ibigay ang mga balitang gigising sa kamalayan natin bilang mga mamamayan ng bansang Pilipinas.

Isigaw mo: Pinoy Ako, Sikat Ako

Leave a Comment